Eto na lang ata yung hindi nag-eexpired sa akin.
(Source: igivemyfirstlovetoyou)
jajabooom asked: Maligayang Pasko at Maagang bati para sa "BAGONG TAON".
Salamat sa patuloy na pagpapasaya, pagpapatawa, pagpapakita ng pakikiramay at patuloy na pagpapasigla sa aking minamahal na takbuhangtabla "dashboard" ika-nga. (Libre tawa). Nawa'y sa paskong ito, matupad lahat ng iyong hinihiling. Magkaroon ng masaya at kuwelang noche buena. Makain lahat ng handa ng BONGGANG-BONGGA at dumighay sa sarap ng handa.
At nawa'y sa bagong taon, makalimutan mo na lahat ang mga pait at masasamang alaala na dinulot ng taong ito sa iyo at sa mga bahagi ng taon na pinasaya ka at humagikgik ka sa tuwa, sana'y maging bahagi na rin ito ng mga magagandang karanasan sa buhay mo.
Salubungin mo sana ang taong DALAWANG LIBO'T LABING ISA na may bagong pag-asa at masaya.
Ang iyong tagasubaybay at tagasunod,
JAM
Merry Christmas! kyotJAM :)
lablab:
ateKITIN.